Kaisa ang paaralang Liceo de Davao Basic Education Department sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025.

Ipinamalas ng mga mag-aaral at mga guro ang kanilang husay, talino, at pagmamalasakit sa ating wika at kultura sa pamamagitan ng mga patimpalak gaya ng Laro ng Lahi, Paggawa ng Poster, Lakan at Lakmbini. Sa temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa,” kinikilala ang mahalagang papel ng wika sa pagbubuo ng ating pambansang identidad at pagkakaisa. Paalala ito na ang bawat salita ay bahagi ng ating kasaysayan, at ang paggamit at paglinang nito ay tungkulin ng lahat bilang mga Pilipino. Isang pagpupugay sa wikang nagbubuklod sa atin bilang isang sambayanang Pilipino.” #BuwanNgWika2025 #BasicEdDepartment #PatimpalakSaWika